Wednesday, December 9, 2009

maubusan ka din..


maubusan ka din...

--tanhale.

pag uwi mula sa opisina.
diretsong kwarto para mag palit ng damit.

*pagod, antok, at --lasing*

nga pala.
tanghali pa lang.

*dapa sa kama*

na ang inaasahan ay makakatulog na.


mapagod. antukin.

umiwas.
umiwas na maisip ka.

tanga.
tanga.
tanga lang talaga
dahil matagal ko na
rin naman tong ginagawa.
at nabibigo pa rin.

na hindi ka isipin.
na hindi ka mahagip ng isip.
o ang boses mo.
o ang tikwas ng buhok mo.
o ang nunal mu sa may labi.
o ang ngiti mo.
o ang tawa mong tunog alien.
o ang kamay mo.
o ang lahat na.

*iyak*

naisip ko.
dapat pala mejo
dinamihan ko pa inom ku kanina.
baka sakaling basag na basag na ko pag uwi.

na hindi lang makatulog at hindi ka na maiisip
ang magagawa ko.

kundi.

comatose.
ma'comatose.

*hikbi*

gustu ku mapalayo.

*hikbi*

nga pala.


--dibale na nga.

balang araw..

mauubusan ka din..
ng panyo..

No comments:

Post a Comment